ilang beses na din akong naliligaw ng landas. "Saan nga ba ako dapat pumunta? Sa daang parating tinatahak o sa daang minsan lang nadaraanan?" Alin kaya ang tama? Alin ang mali? Susubok bang muli o pahinga muna?. Ang daming tanong, di pa masagot-sagot.
May mga bagay na talagang malaking dagok sa buhay, may mga taong mahirap pakawalan, may mga pangyayaring nais balik-balikan. Gaano man kahirap, dapat matutunang tanggapin. Kailangang palayain ang sarili upang mahanap ang nais at tinitibok ng pusong ligaw. Huwag matakot sumubok muli. Huwag matakot magkamali. Madalas kasi, ang mali pala ang sagot sa lugar na dapat mong puntahan.
nakarelate ako.hahah.:)
TumugonBurahinhehe. ^^ huwag matakot sumubok muli. Madalas nasa mali ang sagot. smile. :))
TumugonBurahin