okay lang ako, wag ka mag-alala. Sa tuwi kayang sinasabi natin 'to, e okay nga lang kaya tayo?
gaano ka-okay?
madalas nating sabihin ang mga katagang iyan. Karaniwan kapag may mga nangyayari sa atin at ayaw nating mag-alala ang mga tao sa paligid natin. Kapag nasasaktan na tayo at ayaw nating ipaalam. Kapag malungkot tayo at ayaw nating ipakita. OKAY! Oo, Kakayanin! Ayos lang Yan! positibo ang dating pero hirap na hirap na!
wala naman talagang salitang OKAY kahit hanapin mo pa sa diksyunaryo. Tayo lang ang siyang lumikha nito at nagsama sa ating bokabularyo. Kung minsan, gumagawa tayo ng ekspresyong atin para hindi madaling maunawaan ng iba na hindi na maganda ang sitwasyon natin. Kumbaga sumesemplang na ang lahat at kulang na lang na madaganan tayo ng malaking trak para lang mapaamin. Narito ang mga OKAY-LANG-AKO-CASES:
- nadapa/ nabugbog ang isang bata. Nilapitan siya ng mga tao para kamustahin...para hindi mapahiya at magmukhang lampa..."Okay lang ako...", diretso uwi para umiyak sa loob ng kwarto.
- bumagsak sa mga asignatura, lumuluha ang isang babae ng makita ng mga kaibigan nito..."okay lang ako, kaya ko ito!". [anong okay?e umiiyak ka na nga e!]
- nabigo sa pag-ibig si tutoy, nahuli ni nanay na umiiyak! BIGO sa una nitong PAGSUBOK..."okay lang ho ako 'nay, babae lang yan!dami pa naman dyang iba.", sabay tulo ng SIPON, lumolobo pa![yuck!PUNAS ka nga muna dun!]
- sobrang stress, kaen ng kaen ng mga minatamis... nadaanan ng isang kakilala... KAKILALA: uy!kmusta na? GIRL: okay lang nmn! KAKILALA: ah..mukhang masarap yan ah?penge! GIRL: ayaw ko nga!bumile ka ng iyo! [damot niya ano? di man lang naisipang mamigay.]
- magjewa, nagkatampuhan at nagkaselosan. (sa txt) BF: sori na oh! sori na!patawadin mo na ako! mali nga ako. GF: okay na un!wala un! (sa loob-loob, "LOKOHAN PALA ITO EH!MAKIKITA MO HINAHANAP MO.") [ LOLZ!bitter pala.]
- magkaibigang nag-away. FRIEND 1: kmusta nmn kayo ni friend 2? FRIEND 3:okay na nmn!...maya-maya nagpaulan ng gm!patama kay Friend 2...[haha!OKAY yan.]
see? madalas tayong ganyan!aminin! OKAY pla ha? okay nga ba?
base sa obserbasyon, hindi okay ang mga nagsasabi ng ganyan! maniwala ka lang kapag sinabi niya na AYOS na AKO!
with matching smile at halakhak!...
kaya be aware kapag may nakausap kang ganyan dahil hindi sya OKAY! :DD
*OKAY lang AKO!wew!?*
--ems
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento