Distance makes the heart grow ponder ...
Sabi nila, kapag daw ang isang tao ay malayo sayo- lalo daw lalalim ang nararamdaman mo sa kanya. Dahil nandyan yung MISS.
ano ba yung miss? yun ba yung lagi mo syang iniisip? yun ba yung 'di ka makatulog? yun ba yung lagi mo syang hinahanap? yun ba yung hindi ka makakain? yun ba yung lagi kang umiiyak? ABA! kung yun pala yun, e ibig sabihin nakakamatay pala yun?
paano pa lalalim ang nararamdaman kung mamatay ka pala!? (biro lang!)
totoo palang hirap kapag may namimiss ano?
apektado ang pisikal, emosyonal, mental at sosyal na pagkatao...
paano pa nagwowork ang LONG DISTANCE RELATIONSHIP!?
dekametro, sentimetro, isang dipa, metro, kilometro, milya...ang layo!
syempre sobrang mamimiss mo siya...kasi para ba namang may nakaharang sa mundo niyo e!*kurap*
yan ang nakakamatay na relasyon!
ang hirap niyan! hindi mo alam kung ano ang ginagawa niya, kasi hindi mo nga siya nakikita...
ang hirap kasi hindi ka makasisigurado kung totoo ang mga sinasabi niya!
bakit? kasi text, tawag, friendster, facebook, ym, chat at net lang naman ang koneksyon niyo eh!
ang daling MAGSINUNGALING!sobra!
sa cellphone, pwede akong magpanggap na nalowbat kung sakaling hindi agad ako makasagot sa mga mensahe niya; pwede ring patayin ko ang cellphone ko kung sakaling tumatawag siya at may hang-out ako! ang daling sabihing! NASIRA e!
friendster (meron pa bang gumagamit nito? burado na 'toh eh!), "HINDI NA AKO NAGFFS!NACORRUPT ACCOUNT KO DUN E!SA KATAGALAN NG HINDI NABUBUKSAN!"- yan pwedeng rason yan! bentang-benta! paniwala agad! kasi...
may " facebook" na sa oras na 'di ka nakapagpost sa wall niya, pwede mong idahilan na busy ka sa mga PAPERWORKS sa school, nagreresearch ka para sa assignments mo at kailangan munang tapusin yun!
ym! hindi ako nagbubukas niyan mapwera na lang kung may mga mahalagang LECTURES na isinend si PROF! taon ang bibilangin...
CHAT- pwede akong biglang mag-offline kapag pinagtataguan ko siya! o kaya naman e magonline ako kapag offline siya! hindi niya ako masisita!
LANGYA! ganun pala yun!?
lokohan pala ang mga RELASYONG ganun!?
BALIW! kung ganyan ka mag-isip, hindi ka nagmamahal!?
isipin mo, kung mahal mo siya- bakit ka mag-iisip ng masama!?aminin na nating, hindi masama ang MAGDUDA! pero... kung laging 'yan ang laman ng kukote mo...ABA! ineng, tutoy! kailangan ka ata mabuhusan ng tubig!... ang tunay na PAG-IBIG, umuunawa, hindi nag-iisip ng masama sa kapwa!
kung namimiss mo siya, e di kumilos ka...
kung hindi man siya makatugon...wag ka muna MAGALIT o MAGDUDA...
hintayin mo muna ang paliwanag niya!
Papasok- pasok ka sa ganyang relasyon tapos ang KITID naman pala ng utak mo...
hindi KAYO tatagal kapag ganyan ka...
alam mo na ngang MAHIRAP, tapos lalo mo pang pahihirapin!
ang DISTANSYA ay BALAKID sa relasyon pero magandang sukatan kung gaano ka kahigpit KUMAPIT...
maaring lumuha ka ng sindami ng tubig-dagat...
maaring pumasok ang maraming AWAY...
tandaan mo, TIWALA at PANG-UNAWA ay mapanghahawakan mo!
kapag mayroon ka niyan... masasabi mong napapalalim nga ng DISTANSYA ang DAMDAMIN...
dahil habang namimiss mo siya., masasabi mo na lang : "maswerte ako at may namimiss...yung iba nga wala! alam ko namang kahit gaanong kadaming tao ang makipaglandian sa kanya, bago matapos ang araw alam niyang ang PUSO niya ay sa akin lang nakalaan."
oh di ba bongga!? malayo man siya...BUONG-BUO padin ang paniniwala mo na SAYO parin SIYA at hindi sa IBA.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento