Sabado, Hulyo 30, 2011

PARA KANINO KA BUMABANGON?

.ang likhang ito ay hindi mismong saklaw ng pawang kaisipan ko lamang. Ito ay ginawa ng isang taong kagaya ko ay may pagkahilig din sa pagsulat. Inspirado sa komersyal ng NESCAFE ay nagawa niya ito habang sakay sa DYIP.

Para kanino ka bumabangon? Sa pamilya? Sa kaibigan? o para sa mga taong patuloy na lumalaban sa buhay? Kapag nakita natin ang dahilan, makikita natin kung gaano kasarap harapin ang umaga, gaano kasarap tingnan ang mga bagay, gaano kasarap mabuhay.

Araw-araw, gumigising ako ng may bakas ng kagalakan sa aking mga labi. Alam kong binigyan pa ako ng pagkakataon ng Panginoon na magising sapagkat may misyon pa ako, may dapat pa akong ibahagi at may mga tao pang nangangailangan ng aking pagkalinga. Isa akong instrumento ng pagpapakilala ng tunay at matamis na PAG-IBIG ng DIYOS.

Hindi lang ako bumabangon para sa sariling kapakanan. Bumabangon ako para sa lahat. Bumabangon ako para sa mga taong nangangailan ng tulong. Bumabangon ako para sa mga taong kahanga-hanga ang taglay na pagsisikap. Bumabangon ako dahil alam kong may parte akong dapat gampanan sa buhay ng iba. Bumabangon ako para gumawa ng pagbabago.

"Hindi ka ginising ng Panginoon para sumimangot, ngumiti ka at harapin ang kasalukuyan." (mula sa isang nabasang mensahe sa aking aparato. xD). Tama! Hindi ako gigising at babangon para sumimangot lang. Buong galak kong haharapin ang kasalukuyan. Masarap mamuhay ng kalmado. Masarap maging positibo. Hind maipaliwanag na damdamin ang bigla na lang umuusbong kapag alam mong dahil sa pagiging maligaya mo ay nakakapagpaligaya ka din ng iba. Nakukuha mo ba ang nais kong ipabatid? Kumbaga, wala ka pang direktang ginagawa sa kanila pero ramdam mong parang nakapagbahagi ka ng kung ano, na dahil sa kapositibohan mo ay buong araw ding naging maganda ang araw nila.

Lahat ng mga pangyayari ay may dahilan, kung anuman yun siguradong para sa ikabubuti. Anumang bagay na matutunan natin, ibahagi lang natin. Parang kasi yang  banga na punong-puno ng tubig, kapag umaapaw na, syempre kailangang bawasan kasi masasayang yung mga matatapon.

Masarap kaya ang pakiramdam ng nakakatulong. Nakakapagpagaan ng pakiramdam. Lahat tayo ay may pagkakataong maramdaman ito, depende kung hahayaan natin itong dumaloy ng may kaluwalhatian.

Gaano man kahaba ang sanaysay na ito, isa lang ang nais nitong puntohin: ako ay nabubuhay para sa lahat, natututo hindi lang para sa sarili, umuunlad para sa mas ikabubuti. 

Ikaw ba? Para kanino ka nabubuhay? Para kanino ka bumabangon?.

*Para sa ating lahat: "ngiti lang tayo, masarap harapin ang bawat umaga nang masaya, mahinahon, kalmado at may kaligayahan sa bawat puso."* 

paalala: hindi ito aking sariling konsepto. dinagdagan ko lang ito ng aking sariling pananaw.  :D 

Pagpalain nawa tayo ng MAYKAPAL!


Kasing saya ng mga Penguins na ito

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento