Linggo, Disyembre 25, 2011

Lunes, Disyembre 5, 2011

INSANITY

Lying in my bed
fooling myself
recalling what you've said
heart screaming for help.

Hide my pain
is all I am going to do dear
smiling, almost insane
yet never shedding a tear.

The rain will stop soon
and all the hurt will be poured
melodies will be back into tune
until both of us have soared.

I'll be over this insanity,
never gonna sink
escaping within love's vicinity
washing away fantasies and memories in a wink.

Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

To my Favorite Teacher (Sir Tristan)

Every now and then
You are so understanding
Filled our minds with learnings
No other man like you if I haven't mistaken.

Each day was a battle
Nervousness in you was so subtle
You remained calm, feet on the ground
Eventhough your intelligence knows no bounds.

Yes! Everything might appear complicated to you.
Just don't lose hope for God knows what to do.
Smile and laugh, lay all the burdens.
Let weaknesses be variables that will strengthen

Teaching is not about perfections,
It is running after those margin of errors
where giving up is an abomination
and failures are an accelerator.

Don't be sad and melancholic
Gross! That is anachronistic
We believed in your potentials, we always do
You are very much appreciated, too.

We're greatful you're our teacher
For we had learned so many lessons in life,
We had been so much better
And if only we we're years older, sure! We'll be glad to be your wife! (joke)

Martes, Oktubre 4, 2011

Buhay sa Kamatayan


Para sa mga minamahal kong magulang.

Para sa mga naliligaw ng landas.

Para sa mga hindi pa nababatid ang kahulugan ng buhay.







i



    BUHAY SA KAMATAYAN
        Sa panulat ni: Jem Irise D. Rea


“Sapagkat pagmamahal lamang ang tanging bagay na hindi nabibili ng pera”

© copy right, 2011.


ii

BUHAY SA KAMATAYAN

“Papaano kung minsang mamulat ka na lamang na nag-iisa, ano ang gagawin mo? Sisigaw ka ba? Tataghoy? Magdadalamhati?”
            Ito ang kwentong nararapat sa’yo.








iii

BUHAY SA KAMATAYAN                 1

Sa isang hapag-kainan ay nagtatalo ang isang pamilya. Isang pamilyang wala ng kahit ano pang hahanapin sapagkat ang karangyaan ay talaga namang sa kanila ay bumubungad. Lahat ng bagay, mula sa salapi, magagarang sasakyan, magandang bahay, at maunlad na negosyo ay nasa kamay na nila. Ano pa ba ang hahanapin? Oo. Napapansin mo ba ang kulang? Salat sila sa tunay na yaman ng buhay, ang tanging bagay na hindi nabibili ng pera- pag-ibig sa isa’t isa.
“Maureen, ano ang nangyayari sa’yo at lahat ng grado mo ay palakol? Marahil dapat mo ng layuan yang boyprend mong masama ang naidudulot sa’yo.”
“Ma, huwag na huwag niyong isasali sa usapan si Raymond. Wala siyang kinalaman dito. Talaga lamang na napakahirap ng mga aralin namin sa eskwela at masyado akong pinepersonal ng aking mga guro.”
“Pinepersonal? Nagdadahilan ka pa! Ewan ko nga ba kung bakit kabukod-tangi ka sa pamilyang ganyan. Papaano kita ipagmamalaki sa mga kaibigan ko sa negosyo kung sa paaralan pa lang e mangmang ka na at hungkag yang isipan mo.”
“Ganyan naman kayo ma e, kahit kailan naman talaga hindi niyo ako ipinagmalaki. Lagi namang si kuya ang magaling sa mata niyo e. Siya lang! Siya lang! Papaano naman kami ni Gave na mga anak niyo rin?”
“Maureen, tama na! Huwag mong binabastos ang mama mo.”, sambit ng kanyang ama kasabay ng paglapat ng mga kamay nito sa kanyang mga mukha.
“Ganyan naman kayo! Kinamumuhian ko kayo. Sana mamatay na kayo!”

BUHAY SA KAMATAYAN                 2

Tumayo na si Maureen sa pagkakaupo at hinayaan na ngang ang pagkain niya ay nakatiwangwang. Unti-unti ay tinahak niya ang
landas papunta sa kanyang silid. Binuksan ang pinto nito, isinarado  ng pagalit hanggang sa lumagabang ang pintuan.
“Dear Diary,                                                    09-30-11
Alam mo ba ang pakiramdam ng wala kang kakampi? Yung pakiramdam na parang hindi ka anak ng mga magulang mo? ANG SAKIT SAKIT NOON! Ito namang si kuya, siya na lang lagi! Siya na nga ang magaling. Sana hindi na lang ako ipinanganak o kaya naman ay maglaho na silang lahat sa aking paningin. Kailan kaya ako makakaalis sa bangungot na ito? Rep. asap.
Nagmamahal,
Maureen”
Binitawan niya ang diary at binuksan ang radio sa saliw ng klasikal na musika.
“Ma, pa, kuya, Gave!” hiyaw ni Maureen nang matagpuan ang katawan ng kanyang pamilya na naliligo sa sarili nilang mga dugo.
“Ma! Pa! Sino? Sino ang maaaring gumawa nito sa inyo? Tulong!” pamuli pa niyang hiyaw ngunit, walang nakakarinig sa kanya sapagkat nasa bakasyunan ang mga kasambahay at ang bahay nila ay namumukod-tangi lamang sa lugar na iyon.

BUHAY SA KAMATAYAN                 3


Luha ang sa kanyang mga mata ay umagos habang tangan- tangan sa kanyang mga bisig ang labi ng mga kapamilya. Natagpuan niya ang isang punyal at ang bahid ng dugo sa kanyang kamay.
“Hindi! Hindi maaari ito! Hindi pwede. Pinatay ko sila?”
Unti-unti niyang naramdaman ang pag-iisa. Malungkot. Nakagigimbal. Pagsisisi. Doon niya napagtantong pamilya lamang niya ang kanyang makakaramay sa hirap at ginhawa ngunit ngayon ay wala na sila ng dahil sa kanya. Wala na nga at tuluyan ng maglalaho sa kanyang paningin.
Napatalikwas na lamang sa kama si Maureen ngunit ang tubig ay patuloy pa rin ang pagdaloy sa kanyang mabilog na mga pisngi. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya dahil sa musikang lumalabas sa radyo na tila isang lira sa kanyang pandinig.
“Isang bangungot. Hindi ko makakayanan kung ang pangyayaring iyon ay isang katotohanan. Ang pamilya ko lamang ang tanging magmamahal sa akin ng higit pa sa pagmamahal ni Raymond. Sila lamang ang aking karamay. Hindi ko dapat sila inaway kanina. Tama si mama, hungkag nga ang aking isipan para isiping hindi nila ako mahal. Nasasabi lamang nila ang masasakit na salita dahil marapat ko lang yun marinig para magising ako sa katotohanan. Ang bangungot na ito ay ang katotohanang sa mukha ko ay sumampal. Mali ako at kahit kailan hindi ko dapat hilingin ang kanilang kamatayan.”
            Binuksan ni Maureen ang pintuan at lumabas upang hanapin ang mga kapatid at magulang. Nandoon sila sa hapag-kainan at hinihintay ang kanyang pagbabalik.

BUHAY SA KAMATAYAN                 4

“Maureen, anak ko. Patawarin mo kami ng papa mo sa mga masasakit na salitang aming nabitawan. Hindi namin sinasadya. Hindi namin gustong saktan ka. Pat…”

        “Ma, pa, kuya, Gave. Patawad. Ako dapat ang magsabi niyan. Masyado akong nagpadala sa aking emosyon, naging maramdamin. Ma, pa, hindi na po mauulit. Mahal na mahal ko po kayo at hindi totoo na gusto ko kayong mamatay dahil hindi ko po kakayaning mawala kayo sa akin. Kayo na pamilya ko, ang pinakakayamanan ko at ang pagmamahal natin sa isa’t isa ay higit pa sa kahit anong kayamanan dito sa mundo.”


            “Ate, mahal ka din namin.” sambit ni Gave sabay yapos sa kapatid na si Maureen.

            “Maureen, kahit kalian huwag mong iisipin na mas magaling ako sa iyo. Maaaring sa ibang bagay ngunit ngayon mas napatunayan mo ang pagiging totoong tao bilang mabuting anak at kapatid sa aming lahat. Mahal ka namin.”

At namayani nga ang pag-ibig sa buong paligid. Napuno ng kasiyahan at napawi ang pait na dulot ng maraming hindi pagkakaintindihan.
            Ang bawat araw na noon ay pag-aaway ay napalitan ng masasayang sandali kapiling ang isa’t isa.
            At ang nakasulat sa diary ang siyang patuloy na nagpapaalala sa kanya na hindi na dapat balikan pa ang dating Maureen. Sa tuwing makikita niya ito ay natatawa na lamang siya sa kanyang sarili at napapasabing “Engot ko lang! Drama e.”

BUHAY SA KAMATAYAN     5

Natanaw niya ang kahulugan ng buhay sa pagkakasaksi sa masaklap na kamatayan, nakita niya ang liwanag sa gitna ng kadiliman ng isipan. Kasabay ng pagkamatay ng masamang mithiin ay ang pag-usbong ng nag-aalab o nagliliyab na pagpapahalaga sa pamilya- ANG BUHAY.











Biyernes, Setyembre 23, 2011

Liwanag sa Dilim

Kabanata I: Si Linda

"Sana'y 'di magmaliw ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay. Nais kong maulit ang awit ni inang mahal, awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan. Sa aking pagtulog na labis ng himbing, ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin. Sa piling ni nanay, langit ang buhay. Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan." Ito ang mga himig na lumalabas sa mga mapupulang labi ng madungis na si Lyka habang tinatahak niya ang kalawakan ng kalye Dalamhati.

Ilang buwan na rin ng mawala ang kanyang butihing ina. Saang lumalop na kaya s'ya napadpad?

"Inay, alam niyo po bang ang saya-saya ko ngayon dahil kasama ko kayo sa aking ikapitong kaarawan? Salamat po. Mahal na mahal ko po kayo. Kung mayroon man akong hihilingin para sa bertdey ko ay iyon ang makasama kayo habang buhay. Kayo na lang kasi ang tanging kamag-anak ko. "

"Ganoon din ako anak, mahal na mahal kita palagi mo yang tatandaan. Kahit kailan man ay hindi kita iiwan."

Sa sobrang galak na nadama ni Lyka ay mahigpit nitong niyapos ang ina at hinagkang maigi sa pisngi kasabay ng pagbulong sa tainga nito ng "ay lav yu inay. Da bes ka."

Sa hapunan nga huling nagkapulong ang mag-ina. Sa pagtulog naman ay palagi siyang hinehele-hele nito, hanggang sa...

"Inay? Inay? Nasaan po kayo? Inay!"

Nawala na lang bigla ang ina na parang bula, walang kahit sinong nakaaalam sa maaring sanhi ng pagkawala nito.

"Aling Mirna, nakit niyo po ba ang aking inay?"

"Naku! Hindi ko siya napansin Lyka e, siya nga pala bileyted hapi bertdey sa'yo."

"Maraming salamat po."

"Mang Pedro, nakita niyo po ba si inay?"

"Hindi Lyka e, hindi ba't kayo ang magkasama?"

"Sa katunayan po, ngayong umaga ay nawaglit sa aking paningin si inay. Nagising na lamang ako na wala siya sa aking tabi."

"Makikita mo din siya Lyka, maghanap ka lamang at manalangin sa Maykapal. May awa ang Diyos."

"Salamat po Mang Pedro."

Muli't muli pa'y nagtanung-tanong si Lyka, ngunit wala kahit sinuman ang nakakaalam ng kinaruruonan ng ina. Gabi na nga at malungkot niyang tinatahak ang daan pauwi, ni hindi na iniinda ang pagod at gutom na nadarama. Dumiretso na siya sa higaan, nagdasal at namahinga.

"Panginoon, hindi po ba magpapakita din sa akin si inay? Alam kong hindi niyo ako pababayaan. Mahal na mahal ko si inay at hindi ko po kakayaning wala siya sa aking tabi. Amen."

Puno ng lumbay ang gabi, payapa ngunit tila hindi pa rin siya makatulog. Wala na ang malambing na tinig na naghehele-hele sa kanya. Wala na ang kanyang ina.

Linggo, Setyembre 4, 2011

Diskubrehin, usisain.

Minsan, tinatanong ko sa sarili ko kung mahalaga ba ako? Nakatulong ba ako sa mga tao sa paligid ko?


Naisip ko din madalas na ano kaya kung mawala ako, hahanapin kaya nila ako? Ano kaya kung magkasakit ako, mag-aalala kaya sila at dadalawin ako?


Alam mo kung anong madalas na sagot ang nakukuha ko? Wala silang pakialam sa akin. Kung meron mang taong may pakialam, konti lang, nabibilang. May isa pa akong natutunan- natutunan kong magpasalamat sa mga pagsubok na dumadating sa buhay ko. Salamat sa mga taong nakapagpagising sa diwa kong natutulog noon. PASALAMAT? bakit? Syempre kasi kapag dumadaan ka sa mga paghihirap, swerteng nagsisilutangan ang mga taong totoong nagmamahal sa'yo. Lumalabas ang mga huwad at peke. Doon mo nalalaman kung sino lang ang may pakialam, kung sino ang magaling lang kapag may kailangan, kung sino ang handang dumamay.
Salamat sa inyo.


Kaya nga ba yung mga taong nagpaparamdam sa akin na mahalaga ako, mahal na mahal ko sila at sinisigurado kong nararamdaman nila yun. Isa pa, yung mga taong marunong magpasalamat, tuwang-tuwa ako sa kanila, marunong kasi silang kumilala ng paghihirap at pagtulong ng iba. Saludo ako sa inyo. Sana dumami pa kayo.


*Palangiti ako, oo, pero ang totoo hindi lahat ng ngiting iyon ay tunay. Pinapakiramdaman ko kasi ang lahat sa paligid ko. Pinipilit tuklasin kung alin ang totoo at peke. Masyado kasing maloko ang mundo, punong-puno na ng mga piratang nakakamagnet. Ingat kayo sa kanila.




[to God be the glory.]

Martes, Agosto 23, 2011

BINGE SA KATOTOHANAN

Sa ilalim ng araw,
sa hustisya'y uhaw
liwanag ay di matanaw
yaring wala ng ilaw.

Binge sa katotohanan
at waring nagugulumihanan
sa mga bagay na likas na makabuluhan.
Pag-asa'y saan na ngayon nananahan?

Di-mahulugang taktak
yaong lugar kung saan ako ngayo'y nakalagak.
Sa mga naririnig: puso'y nawawasak
at sa mukha'y walang galak.

Kabilang pa ba sa organisasyon?
o isa na sa mga dapat manghihingi ng donasyon?
donasyon ng awa para sa kasalukuyang posisyon.
Totoo ba ito o likha lang ng imahinasyon?

Paulit-ulit na nasasambit
yaong mga katotohanang kay pait
paulit-ulit din namang napapangibit;
bagsak ang balikat, paanong mababawi ang gradong nasabit?

Bingeng-binge sa katotohanan,
katotohanang s'yang agahan
problema'y idinadaan na lang sa tawanan,
ngunit araw-araw na ngang kinakabahan.

(sa loob-loob, sarili ko'y di na mapatahan.)