Bumabalot ang dilim,
paligid ay unti-unting umiitim,
bumibisita na ang takip-silim,
tumatakbo ang oras ng palihim.
Isang araw ang muling lumipas
Kumaway ng sagisag-paalam
kamay ay ikinumpas
s'yang sa maghapon ay wakas.
Wakas ay simula,
at ang simula ay wakas.
Ngunit hindi sa paglipas nitong araw nagtatapos
Ang buhay ni Juan na nakagapos.
Nakagapos sa tanikala ng kahapon,
Sa mapait na karanasang dulot ng kahapon,
Sa bangungot na bitbit ng kahapon,
at sa kasalukuyang hatid ng kahapon.
Gumising ka Pilipinas!
Imulat ang mga mata,
diwang-makabayan ay dapat maglingas!
Mga hinagpis, paingaying parang lata.
Paalipin, huwag sa mga dayuhan
Mas lalong higit na huwag paalipin sa mga kababayan
Pagkat pagkaapi ay syang lagusan sa kamatayan
nitong mga damdaming binabalewala ng kamalayan.
Nasaan na ang iyong tapang,
na minana mo sa iyong lahi?
Ano ngayon't unti-unting sa palikod muli'y humahakbang,
at nagtatago sa saya ng dayuhang sa bayan ay malaki ang mithi.
Hahayaan bang mapawalang-bisa itong kalayaang nakamtan?
Hahayaan bang ang sarili ay maging sunud-sunuran?
Hahayaan na lang na sa pag-unlad ay paurong.
Hahayaan na lang na ang sarili ay api.
Panahon na para bumangon,
pagkat nakakapagpakulo ng dugo
itong kaapihang nililingon
Tara na't maging mga dakilang sugo.
Humanap na ng mga kakampi:
kailangan ng kasangga, katulong, kapanig, kaagapay, kasapi.
Paroo't parito, suyurin ang lahat ng dako
Tara! Tayo'y usong-usong.
Masarap manirahan sa sariling bayan.
wari ko'y mas masarap kung may kalayaan.
Kung saan tatakas ang ibon sa kapit ng mga leon,
kakampi ang mga manok sa kauri nitong ibon.
***takda sa PAHAYAG. :))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento