Sabado, Hulyo 30, 2011

Paano Iingatan ang Puso ng mga Babae?

Masarap magmahal ang mga babae- todo bigay, siksik, liglig at umaapaw pa pero ang puso namin... madaling masaktan, mabilis mabasag kaso madalas nagbubulag-bulagan, nabibingi-bingihan at nagtatanga-tangahan . (pasensya sa termino. katotohanan lang.)

Paano nga ba iingatan ang puso ng mga babae? Mahalin niyo ang babae na parang asawa at ituring na parang barkada. Pag-ukulan mo siya ng oras sa bawat sandali. Kung ano ka noong mga panahon na nanliligaw ka pa lang, ganoon ka din nya inaasahan kapag mayroon ng KAYO. Walang bawas pero may dagdag. Kaiga-igaya sa mga babae ang mga lalaking maalalahanin at tunay ngangpinapahalagahan ang kanyang nararamdaman. Maiingatan mo ang puso ng mga babae kapag komportable kang kasama siya at hindi mo siya ikinahihiya, kapag sa mga sandaling kailangan ka niya ay isang text ka lang, kapag malungkot siya pero hindi ikaw ang dahilan at kapag napapasaya mo siya sa mga sandaling magkasama kayo. Ang isang babae hindi natutuwang walang oras sa kanya ang mahal niya, hindi siya nagagalak kapag hindi niya maramdamang mahal siya ng iniibig niya. Huwag na huwag kang mawawalan ng panahon sa kanya baka kasi nasusugatan na pala ang puso niya hindi mo pa alam. Kami, madalas nagpapakamartir sa pag-ibig pero kapag nauntog-- bumibitaw din. Madali kaming masaktan kapag may mga bagay na naipangakong gawin pero hindi nagagawa. Mahalaga sa amin ang oras, madalas na basehan kung mahal ba talaga kami o hindi. Surpresahin niyo kami sa mga bagay na alam niyong ikinatutuwa namin. Mahalaga ang effort. May meaning ang bawat salitang bibitawan. Kaya boys...ingat sa pagpaparamdam ha? Baka iba ang makonstrukta naming kahulugan sa mga bagay na sinasabi niyo. 

Kung mahal niyo ang babae, sabihin niyo agad. Hindi yung puro pagpaparamdam. BAWAL ang TSOPE, pero masama naman yung PRESKO, pwedeng mag-assume pero wag sobra. hmm..? Ayos lang sa babae yung busy ka, pero sana naman humanap ka ng oras para matext man lang siya kahit isang beses o para magparamdam, ano ba naman yung isang segundo o minuto 'di ba? Walang babaeng gustong maging abala sa mahal niya, malawak pang-unawa ng mga iyan para sa mga taongbusy pero mababaw pasensya sa mga taong hindi siya pinapahalagahan. Kapag kasama mo ang babae, swerte ka kapag may baon kang mga biro na makakapagpatawa sa kanya, malas mo kapagboring kang kasama, magsasawa sila. Ugali na kasi ng mga babae ang magkwento ng magkwento kaya kausapin mo lang siya ng kausapin. Kapag binibiro ka, tumawa ka, biruin mo din.

Huwag mong hahayaang maramdaman niyang mag-isa siya. Gusto niya yung inaalagaan, yun bang may kasama sa saya at lumbay, yung baby siya. Ikaw din... kapag pinabayaan mo siya, baka makahanap pa iyan ng iba at bigla mong tanungin kung bakit ka iniwan e ikaw din naman pala ang dahilan. O 'di ba? 'di ba?

-- in courtesy of Paulo Rea, Nikki Fontarum, Kate Gregorio, Hinata Swift at text message.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento