nabuo ang mga pangarap...mula sa lapis na kaharap.
sa totoo lang, hindi ako gaano nahilig sa lapis sa buong buhay ko. Madalas ko lang itong gamitin kapag gumuguhit ako
ng mga larawan. Masyado kasing makonsumo sa oras ang paggamit nito. Kelangan pang tasahan at patilusin bago magamit. Kapag naman nalaglag ito, putol ang tasa, panibagong trabaho na naman. Kapag masyadong makapal
ang dulo nito, pangit ipangsulat at ipangguhit, kumakalat pa sa papel at nagpapadumi nito! Panibagong trabaho ulit: buburahin mo ang mga duming dulot ng lapis. Hay, kakapagod di ba? PERO mahalaga ang LAPIS...
Huli ko na nang napagtanto na ang lapis ang siyang simula ng pag-unlad ko... LAPIS ang unang requirement sa school
di ba? Kasama ng papel. Pwede na ngang wala munang pambura dahil meron ng pambura ang lapis sa kabilang dulo
nito. Ang Lapis ang una kong nakasama sa pagsulat ng aking pangalan. Paglilinya. Pagbuo ng mga letra. Pagsusulat
ng mga titik. Pagguhit. Maging sa paggawa ng mga likha. Natatandaan ko pa ang mga panahon na pinapagawa ako
ng sanaysay sa eskwelahan ko noong elementarya- siyang itinuturing kong UNANG LIKHA at lapis ang siyang ginamit kong panulat. Noong nasa unang baitang pa lang ako hanggang sa ikatlong baitang, lapis ang kasama ko sa pagkuha
ng mga pagsusulit. Isipin mo, kung wala ang lapis...papaano ako magsasagot sa pagsusulit?. Ganyan kahalaga ang lapis! Kung wala yan, bagsak na sana ako at kahit kailan hindi na makakaalis sa eskwelahan. Ang saklap! Kung ikaw
ang aking tatanungin, ayos lang ba sayong doon ka na sa paaralan habang buhay? Syempre, HINDI! Marami kang
bagay na nais gawin, marami tayong bagay na nais gawin. Gusto nating maglaro, kumain, matulog, magkompyuter, magtext kaysa makulong sa paaralang madalas ituring ng marami sa atin na KULUNGAN!.
Pero hindi paaralan ang pinag-uusapan natin dito. LAPIS ang paksa nitong sinusulat kong ito. Ganito kasi yun, kung
wala yan, malamang hindi ako makakagawa ng mga ganitong likha. LAPIS ang una kong guro sa pagsulat. Ang
unang humulma sa aking pagkatao. Hindi ko malalamang ganito pala ang hilig ko, kung nung una palang walang lapis
sa aking harap. Kung walang ganyan na bumungad sa akin. Kung walang lapis, walang mga inspired na manunulat sa mundo. Hindi darami ang kopya ng mga babasahin. Walang mga mauunlad na tao ngayon at malamang wala KA rin!
Naisip mo nadin ba ngayon kung gaano talaga kahalaga ang instrumentong ito?.
Ang lapis, saan ka man magpunta nandyan yan! Hinding-hindi ka lulubayan. Tanggapin natin na parte ito sa pagkakabuo ng ating mga PANGARAP.
Pahalagahan mo ang lapis mo! Ingatan ng lubos!
ako kasi...? Mahal ko ang lapis ko, ang kabuuan ng PANGARAP KO!
*wink!*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento