Minsan, tinatanong ko sa sarili ko kung mahalaga ba ako? Nakatulong ba ako sa mga tao sa paligid ko?
Naisip ko din madalas na ano kaya kung mawala ako, hahanapin kaya nila ako? Ano kaya kung magkasakit ako, mag-aalala kaya sila at dadalawin ako?
Alam mo kung anong madalas na sagot ang nakukuha ko? Wala silang pakialam sa akin. Kung meron mang taong may pakialam, konti lang, nabibilang. May isa pa akong natutunan- natutunan kong magpasalamat sa mga pagsubok na dumadating sa buhay ko. Salamat sa mga taong nakapagpagising sa diwa kong natutulog noon. PASALAMAT? bakit? Syempre kasi kapag dumadaan ka sa mga paghihirap, swerteng nagsisilutangan ang mga taong totoong nagmamahal sa'yo. Lumalabas ang mga huwad at peke. Doon mo nalalaman kung sino lang ang may pakialam, kung sino ang magaling lang kapag may kailangan, kung sino ang handang dumamay.
Salamat sa inyo.
Kaya nga ba yung mga taong nagpaparamdam sa akin na mahalaga ako, mahal na mahal ko sila at sinisigurado kong nararamdaman nila yun. Isa pa, yung mga taong marunong magpasalamat, tuwang-tuwa ako sa kanila, marunong kasi silang kumilala ng paghihirap at pagtulong ng iba. Saludo ako sa inyo. Sana dumami pa kayo.
*Palangiti ako, oo, pero ang totoo hindi lahat ng ngiting iyon ay tunay. Pinapakiramdaman ko kasi ang lahat sa paligid ko. Pinipilit tuklasin kung alin ang totoo at peke. Masyado kasing maloko ang mundo, punong-puno na ng mga piratang nakakamagnet. Ingat kayo sa kanila.
[to God be the glory.]
musta dito, iba ibang klase ang tao minsan kelangan sumabay sa alon para makita kung ano ang nsa likod nito
TumugonBurahinmabuti naman po. Salamat sa inyong pagdaan. :))
TumugonBurahin*tama, minsan pa kung sino yung mga natutunan mong pagtiwalaan sila palang magtatraydor sayo. Kung sino ang noon ay wala lang sayo, sila palang mga tunay na nagmamahal.
JEM JEM JEM! Nasa links na kita. Sorry, ngayon ko lang nakita yung request mo. Hehe. ;)
TumugonBurahinthank you po idol. :)) lubos na ikinagalak ng aking puso ang pagtanggap ninyo sa aking request. Maraming salamat po. ^^
TumugonBurahin