Kabanata I: Si Linda
"Sana'y 'di magmaliw ang dati kong araw, nang munti pang bata sa piling ni nanay. Nais kong maulit ang awit ni inang mahal, awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan. Sa aking pagtulog na labis ng himbing, ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin. Sa piling ni nanay, langit ang buhay. Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan." Ito ang mga himig na lumalabas sa mga mapupulang labi ng madungis na si Lyka habang tinatahak niya ang kalawakan ng kalye Dalamhati.
Ilang buwan na rin ng mawala ang kanyang butihing ina. Saang lumalop na kaya s'ya napadpad?
"Inay, alam niyo po bang ang saya-saya ko ngayon dahil kasama ko kayo sa aking ikapitong kaarawan? Salamat po. Mahal na mahal ko po kayo. Kung mayroon man akong hihilingin para sa bertdey ko ay iyon ang makasama kayo habang buhay. Kayo na lang kasi ang tanging kamag-anak ko. "
"Ganoon din ako anak, mahal na mahal kita palagi mo yang tatandaan. Kahit kailan man ay hindi kita iiwan."
Sa sobrang galak na nadama ni Lyka ay mahigpit nitong niyapos ang ina at hinagkang maigi sa pisngi kasabay ng pagbulong sa tainga nito ng "ay lav yu inay. Da bes ka."
Sa hapunan nga huling nagkapulong ang mag-ina. Sa pagtulog naman ay palagi siyang hinehele-hele nito, hanggang sa...
"Inay? Inay? Nasaan po kayo? Inay!"
Nawala na lang bigla ang ina na parang bula, walang kahit sinong nakaaalam sa maaring sanhi ng pagkawala nito.
"Aling Mirna, nakit niyo po ba ang aking inay?"
"Naku! Hindi ko siya napansin Lyka e, siya nga pala bileyted hapi bertdey sa'yo."
"Maraming salamat po."
"Mang Pedro, nakita niyo po ba si inay?"
"Hindi Lyka e, hindi ba't kayo ang magkasama?"
"Sa katunayan po, ngayong umaga ay nawaglit sa aking paningin si inay. Nagising na lamang ako na wala siya sa aking tabi."
"Makikita mo din siya Lyka, maghanap ka lamang at manalangin sa Maykapal. May awa ang Diyos."
"Salamat po Mang Pedro."
Muli't muli pa'y nagtanung-tanong si Lyka, ngunit wala kahit sinuman ang nakakaalam ng kinaruruonan ng ina. Gabi na nga at malungkot niyang tinatahak ang daan pauwi, ni hindi na iniinda ang pagod at gutom na nadarama. Dumiretso na siya sa higaan, nagdasal at namahinga.
"Panginoon, hindi po ba magpapakita din sa akin si inay? Alam kong hindi niyo ako pababayaan. Mahal na mahal ko si inay at hindi ko po kakayaning wala siya sa aking tabi. Amen."
Puno ng lumbay ang gabi, payapa ngunit tila hindi pa rin siya makatulog. Wala na ang malambing na tinig na naghehele-hele sa kanya. Wala na ang kanyang ina.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento